Ang sistemang edukasyon ng Pilipinas ay ginagamit lamang bilang instrumento ng estado sa paghubog ng kamalayan at kakayahan ng mga kabataan.Ang paaralan na siyang nagsisilbing pangalawang tahanan sapagkat dito nalilinang ang ating kakayahan, katalinuhan, talento at kaalaman. Ang layunin ng isang paaralan ay ang hubugin ang kagalingang taglay ng bawat isa. Dito lalong nahahasa ang bukod tanging mayroon ang isang bata, kasamang nahuhubog dito ang sariling disiplinang magagamit niya hanggang sa pagtanda.
Ang dapat na paaralang kinabibilangan ng bawat estudyante ay malinis. Isang paaralang maghahatid sa kanila ng maayos na edukasyon at maayos na kinabukasan sapagkat ang mga estudyante ay mga mahahalagang nilalang sa ating lipunan. Sila ang kinabukasan ng mundong ating kinabibilangan at ayon nga kay Gat. Jose Rizal, sila ang pag-asa ng ating bayan. Nararapat lamang na sila ay pumabilang sa isang institusyong mamahuhusay na guro.
At siyempre, hindi makakapagfocus ang isang mag-aaral kung hindi kumpleto ang mga pasilidad sa isang paaralang kanyang pinapasukan. Katulad na lamang ng mga gymnasium na kung saan tayo tumatambay o nagpapalipas ng oras.
Hallway, lugar kung saan dumadaan ang mga nagmamadali o malulumanay na estudyante sa paaralan namin. Makikita dito ang mga iba't ibang uri ng estudyante na kadalasa'y nagmamadali dahil male-late na sa kani-kanilang klase.





Walang komento:
Mag-post ng isang Komento